Mapait Na Alaala ng Nakalipas


mapait na alaala ng nakalipas by rdm


Dahilan ng pagbalik mo,
Ano nga ba?
Makalipas ang sampung taon,
Ikaw ay nagbalik,
Aking hindi maintidihan para saan pa,
Gayong ikaw at maging ako,
Ay pawang hindi na malaya.

Damdamin ko ba,
Ay ibig lamang paglaruan muli,
Ng isang tulad mong lubos na mapagkunwari,
Hanggang sa kasalukuyan,
Hindi ko mawari,
Kung ako ba talaga ay iyong tinatangi,
Iyong mga ipinakita,
Ay totoo bang pagtatangi,
Oh ako ba ay sadyang pinaibig lamang.

Pilit naghahanap ng kasagutan,
Aking pusong muling nasugatan,
Ng ikaw ay muling nagbalik,
Kahit milya milya man,
Ating pagitan,
Hindi mabatid,
Kung ako ay muling gustong pasakitan,
Dahil ang iyong pagbalik,
Ay muling pagtangis,
Ng puso kong nasugatan,
Lahat ng sakit,
Muling naramdaman,
Na tila ba kahapon lamang,
Mga sakit na naranasan,
Mula sa ating masakit na nakaraan.

Oh, ang hiwaga ng iyong pagbabalik,
Ibig mabatid ng puso at isip,
Sapagkat iyong binuhay muli,
Alaala ng lahat ng sakit.

Ikaw ba ay bumalik,
Dahil yon ang nakatadhana,
Oh sadyang tayo ay napaglaruan lamang,
Ng ating tadhana?

Sampung taon pilit kinalimutan,
Ngunit sa isang iglap lang,
Iyon ba ay ganon na lamang?
Lahat ng pasakit at hinagpis,
Para ikaw ay makalimutan,
Ay tila ba nasayang lang.

Oh, ang damdamin ng tao,
Sadyang napakahiwaga,
Kapag tunay na mahal mo,
Dumaan man ang dekada,
Kaya pa ring maalala,
Ang damdamin na minsan,
Ay inalay buong puso at kaluluwa.

By Dachiever


Comments

Followers